Cultural Exhibition ng 2017 CAExpo, binuksan

2017-04-14 11:17:01

Mula ika-13 hanggang ika-16 ng Abril, 2017, idaraos sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina, ang Cultural Exhibition ng 2017 China-ASEAN Expo (CAExpo). Lumahok dito ang 90 dayuhang bahay-kalakal mula sa mga bansang ASEAN na gaya ng Indonesia, Laos, at Thailand.  

Cultural Exhibition ng 2017 CAExpo, binuksan

Ipinahayag ni Peng Gang, Puno ng Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television ng Guangxi Zhuang Autonomous Region, na kasalukuyang pinalalalim ng Guangxi ang pakikipagkooperasyon sa mga bansang ASEAN sa larangan ng press, publication, radio, at television. Nitong ilang taong nakalipas, nagiging mas mainit ang pagpapalitang pangkultura ng Guangxi at mga bansang ASEAN, aniya pa.  

Cultural Exhibition ng 2017 CAExpo, binuksan

Upang mapalawak ang kooperasyong Sino-ASEAN sa industriyang pangkultura, ipinahayag ni Mo Zhidong, opisyal ng Departamentong Kultural ng Guangxi, na kasalukuyang pinalalakas ng Guangxi ang kooperasyon sa ASEAN, sa mga aspektong tulad ng live performance, at animation industry.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino