Tsina at Rusya, isinagawa ang strategic communication hinggil sa mga isyung pandaigdig at panrehiyon

2017-04-15 12:54:09 CRI

Nag-usap sa telepono Biyernes, Abril 14, 2017 sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Sergei Lavrov ng Rusya, para isagawa ang strategic communication hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyu ng Syria at Korean Peninsula.

Buong pagkakaisang ipinahayag ng dalawang panig na matatag ang estratehikong pagtitiwalaan ng dalawang bansa at patuloy na pahihigpitin ang kooperasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

Kaugnay ng isyu ng Syria, sinabi nila na ang kasalukuyang pangunahing gawain ay pagsasagawa ng independiyente, propesyonal at makatarungang imbestigasyon sa insidente ng paglulunsad ng atakeng kemikal sa Syria para matuklasan ang katotohanan ng insidenteng ito.

Kaugnay ng isyu ng Korean Peninsula, sinang-ayunan nila ang pagpapasulong ng pagpapanumbalik ng diyalogo sa pagitan ng iba't ibang may kinalamang panig sa lalong madaling panahon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino