Eksamen para sa staff recruitment ng 2022 Beijing Olympic at Paralympic Winter Games, isinagawa

2017-04-16 17:34:51 CRI CRI

Isinagawa kahapon, Sabado, ika-15 ng Abril 2017, ng Beijing Organising Committee for the 2022 Olympic and Paralympic Winter Games, ang written examination para sa unang Worldwide Open Staff Recruitment ng naturang Olimpiyada at Paralimpiyada.

Lumahok sa eksamen ang mahigit 760 tao, na kinabibilangan ng mga Tsino, at mga dayuhan mula sa Rusya, Amerika, Brazil, at ibang bansa. Nagtunggalian sila upang matamo ang 21 posisyon sa naturang dalawang palaro. Ang pinakamalakas na kompetisyon ay mahigit 100 tao para sa isang posisyon.

Mula huling dako ng buwang ito hanggang sa unang dako ng susunod na buwan, isasagawa naman ang oral examination para sa naturang recruiment.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino