Ang taong gumawa ng kanal sa palibot ng bangin

2017-04-18 16:35:05

Ang taong gumawa ng kanal sa palibot ng bangin

Para sa napakaraming tao, maaring matapos ang napakaraming bagay sa loob ng 36 na taon. Ngunit para kay Huang Dafa, miyembro ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa nayong Tuanjie ng lunsod Zunyi sa dakong timog kanluran ng bansa, iisang bagay lang ang kanyang ginawa sa loob ng 36 na taon: ang paggawa ng kanal na may habang ilampung kilometro sa palibot ng bangin.

Ang taong gumawa ng kanal sa palibot ng bangin

Bago ang taong 1995, dahil sa di-magandang likas na kondisyon, at kakulangan sa tubig, parating mahirap ang kalagayan ng bawat residente ng nayong Tuanjie. Madalas ding nagkukumahog ang mga residente sa paghahanap ng tubig.

Ang taong gumawa ng kanal sa palibot ng bangin

Pero noong taong 1959, isang batang nagngangalang Huang Dafa ang sumapi sa CPC. Sa taong ito'y pinili niyang maging kadre ng nayong Tuanjie. Ang paggawa ng kanal ang kanyang unang naisipang gawin.

Ang taong gumawa ng kanal sa palibot ng bangin

Sa loob ng sumunod na 36 na taon, napawi ni Huang Dafa ang napakaraming kahirapang gaya ng likas na kondisyon, teknolohiya, lakas manggagawa, at pondo: pinanumuan din niya ang mga residente sa paggawa ng kanal. Natapos ang proyektong ito noong taong 1995. Kaya, tinawag itong “Dafa Canal” ng mga residente.   Ang kanal ay hindi lamang lumutas sa problema ng kakulangan sa tubig ng lokalidad, kundi nakapagbigay rin ng bagong pag-asa para sa pag-unlad ng buong nayon.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino