Mga Ministrong Pandepensa ng Tsina at Malaysia, nag-usap

2017-04-22 14:52:12

Mga Ministrong Pandepensa ng Tsina at Malaysia, nag-usap

Beijing - Sa kanyang pakikipag-usap nitong Biyernes, Abril 21, 2017, kay Hishamuddin Hussein, dumadalaw na Ministro ng Tanggulang Bansa ng Malaysia, sinabi ni Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na may malalim at tradisyonal na pagkakaibigan ang Tsina at Malaysia. Sa ilalim ng magkasamang pagpapahalaga at pagpapasulong nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, lumalakas nang lumalakas ang estratehikong pagtitiwalaan, at komprehensibong isinusulong ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig sa iba't-ibang larangan. Nakahanda aniya ang panig Tsino na patuloy na magsikap kasama ng panig Malay, upang mapalakas ang pagdadalawan ng mataas na antas, mapasulong ang konstruksyon ng mekanismo, at ibayo pang mapatibay at mapasulong ang relasyon ng dalawang hukbo.

Sinabi naman ng panig Malay na kasalukuyang nasa mataas na lebel ang relasyong Malay-Sino. Buong tatag aniyang kinakatigan ng kanyang bansa ang inisyatibang "Belt and Road." Umaasa ang Malaysia na patuloy na mapapalawak ang larangang pangkooperasyon ng dalawang bansa at hukbo, at walang humpay na mapapalalim ang relasyon ng dalawang panig, dagdag pa niya.

Salin: Li Feng


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino