High-level security dialogue ng Tsina at Australya, idinaos

2017-04-23 17:19:44 CRI CRI

High-level security dialogue ng Tsina at Australya, idinaos

Idinaos kamakalawa, Biyernes, ika-21 ng Abril 2017, sa Canberra, Australya, ang unang high-level security dialogue ng Tsina at Australya. Dumalo dito sina Meng Jianzhu, Puno ng Central Political and Legal Affairs Commission ng Tsina, at George Brandis, Attorney-General ng Australya.

Ayon sa magkasanib na pahayag na ipinalabas pagkaraan ng diyalogo, sinang-ayunan ng dalawang bansa na palakasin ang kooperasyon sa mga suliraning hudisyal at pambatas, at isagawa ang regular na kooperasyon sa aspektong ito.

Sinang-ayunan din ng dalawang bansa na palakasin ang kooperasyon sa paglaban sa cyber crime, terorismo, at mga transnayonal na krimen.

Inulit naman ng Australya ang pangako hinggil sa pagpapasulong ng pag-aaproba sa extradition treaty ng dalawang bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino