Kooperasyong Sino-Pilipino sa agrikultura, itutuloy

2017-04-26 14:51:20

Manila - Dumalo nitong Martes, Abril 25, 2017, ang delegasyong agrikultural ng Tsina na pinamumunuan ng Pangalawang Ministro ng Agrikultura na si Qu Dongyu, sa Ika-5 Pulong ng China-Philippines Joint Commission on Agriculture. Malalimang nakipagtalakayan ang delegasyong Tsino sa Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas tungkol sa patuloy na pagpapalalim ng kooperasyong agrikultural ng dalawang bansa. Ito ang kauna-unahang pagdaraos ng nasabing pulong sapul nang suspendihin ito noong taong 2010.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Qu na layon ng nasabing pulong na pabilisin ang pagpapasulong ng pagkakasundong agrikultural na narating ng mga lider ng dalawang bansa noong nagdaang Oktubre. Sapul nang mabuo ang naturang magkasanib na komisyon ng dalawang bansa noong 2001, magkasama nilang natiyak ang preperensyal na larangang pangkooperasyon kung saan, natamo ang substansyal na bunga. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magkaloob ng tulong hangga't makakaya, sa panig Pilipino upang patuloy na mapalalim ang koopersyon at mabigyang-benepisyo ang mga mamamayan ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino