Usaping pangkalawakan ng Tsina, pumasok na sa “Space Station Era”

2017-04-27 20:48:56

Matagumpay na natapos, alas-siyete,siyete ng gabi(7:07 pm), Huwebes, Abril 27, 2017 ng Tianzhou-1, kauna-unahang cargo spacecraft ng Tsina, at Tiangong-2, ikalawang space lab ng bansa, ang unang in-orbit refueling test. Ito ay isang palatandaang natamo ng misyon ng Tianzhou-1 ang kasiya-siyang tagumpay.

Bukod dito, bunga ng pagkakamit ng in-orbit refueling technology, naisakatuparan ng programang pangkalawakan ng Tsina ang isang napakalaking technological breakthrough na makakapagpa-alis sa hadlang sa energy supply para sa pagtatayo at operasyon ng space station ng bansa. Ang Tsina ay naging ikatlong bansang sarilinang nagkaroon ng nasabing masusing teknolohiya sa usaping pangkalawakan.


Ayon sa nakatakdang plano, sa gitna at huling dako ng darating na Hunyo, isasagawa ng Tianzhou-1 ang ikalawang in-orbit refueling test. Layon nitong ibayo pang patibayin ang mga natamong bungang panteknolohiya ng bansa.

May napakahalagang katuturan ang misyon ng Tianzhou-1 para sa maalwang pagsasagawa ng mga susunod na tungkulin ng space station program. Dahil sa tagumpay na ito, masasabing pumasok na ang China aerospace program sa "Space Station Era."


Salaysay tungkol sa Tianzhou-1 at Tiangong-2:

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino