Pinakamahigpit na fishing ban ng Tsina, sinimulang pairalin

2017-05-01 16:40:13 CRI CRI

Simula ngayong araw, Lunes, May 1, 2017, pinairal ng Tsina ang bagong fishing ban sa taong ito. Ito ay itinuturing na pinakamahigpit na fishing ban nitong 22 taong nakalipas, sapul nang pairalin ng Tsina ang unang pagbabawal.

Ang naturang fishing ban ay pinaiiral sa Bohai Sea, Yellow Sea, East China Sea, at bahagi ng South China Sea. Kumpara sa karaniwang 2-buwang fishing ban, umaabot sa 3 buwan ang pinakamaikling tagal ng kasalukuyang pagbabawal. Sumasaklaw din ito sa mas maraming paraan ng pangingisda.

Ayon sa Ministri ng Agrikultura ng Tsina, ang pagpapairal ng gaanoong mahigpit na pagbabawal ay para mas mabuting pangalagaan ang mga yamang akuwatiko sa naturang mga karagatan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino