Sec. Martin Andanar, bumiyahe sa ACC

2017-05-05 15:16:53

Beijing - Bumisita nitong Huwebes, Mayo 4, 2017, si Martin Andanar, Kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCCO), sa ASEAN-China Center (ACC).  

Sec. Martin Andanar, bumiyahe sa ACC

Sa kanyang pakikipag-usap kay Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ACC, ipinahayag ni Sec. Andanar na ang layon ng kanyang biyahe sa Tsina ay makipagkooperasyon sa mga departamentong pambalitaan, at mga pangunahing media ng Tsina upang ibayo pang mapataas ang kakayahan ng mga mediang Pilipino. Ipinahayag din niya ang kahandaang palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa ACC para makapagbigay ng mas malaking ambag sa pagpapalalim ng pag-uunawaan ng mga mamamayang Pilipino sa relasyong Pilipino-Sino, at relasyong ASEAN-Sino.  

Sec. Martin Andanar, bumiyahe sa ACC

Ipinahayag naman ni Yang na ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga media ay mahalagang bahagi ng relasyong Sino-ASEAN. Ito rin aniya ay magalagang tulay sa pagpapasulong ng koneksyon ng kanilang mga mamamayan. Patuloy aniyang patitingkarin ng ACC ang papel nito upang makapagbigay ng mas malaking ambag para sa komprehensibo at malalimang pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino