Tsina, patuloy na kakatig sa Pangkalahatang Asemblea ng UN

2017-05-13 10:53:32

Beijing - Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Mayo 12, 2017, kay Peter Thomsen, Presidente ng Ika-71 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) na narito upang lumahok sa "Belt and Road" Forum for International Cooperation (BRF), ipinahayag ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, na ang inisyatibo ng "Belt and Road" ay pragmatikong praktis upang maisakatuparan ang ideya ng pagtatatag ng Community of Common Destiny for All Mankind na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ito rin aniya ay nagkakaloob ng malakas na pagkatig sa pagsasakatuparan ng UN's 2030 Sustainable Development Agenda. Patuloy at komprehensibong kakatigan ng Tsina ang mga gawain ng Pangkalahatang Asemblea ng UN, dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni Thomsen na ang ideya ng Community of Common Destiny for All Mankind ay napakahalaga para sa pag-unlad ng daigdig sa hinaharap. Kinakatigan niya ang inisyatibo ng "Belt and Road," at handa aniya siyang mahigpit na makipagtulungan sa panig Tsino.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino