Porum ng Kooperasyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Biyetnam, idinaos

2017-05-13 12:01:03

Beijing - Idinaos nitong Biyernes, Mayo 12, 2017, ang Porum ng Kooperasyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Biyetnam sa 2017 na magkasamang dinaluhan ni Pangalawang Premyer Wang Yang ng Tsina at dumadalaw na Pangulong Biyetnames na si Tran Dai Quang.  

Porum ng Kooperasyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Biyetnam, idinaos

Ipinahayag ni Wang na nitong ilang taong nakalipas, mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames. Dapat aniyang mainam na isakatuparan ng dalawang panig ang isang serye ng komong palagay na narating nina Pangulong Xi at Vietnamese leaders upang ibayo pang mapasulong ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa.  

Porum ng Kooperasyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Biyetnam, idinaos

Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Tran Dai Quang na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagpapaunlad ng komprehensibong estratehikong partnership sa Tsina. Aktibo aniyang pabubutihin ang kapaligirang pampamumuhunan para makapagbigay ng ginhawa sa pagpapalawak ng mga bahay-kalakal na Tsino ng pamumuhunan sa Biyetnam.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino