Ministrong Panlabas ng Tsina at Thailand, nag-usap

2017-05-15 10:25:46 CRI

Sa sidelines ng Belt and Road Forum for International Cooperation na idinaraos ngayon sa Beijing, nag-usap Mayo 14, 2017 sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at kanyang Thai counterpart na si Don Promudwinai.

Ipinahayag ni Wang na bilang tagapagtaguyod ng Belt and Road Initiative, positibo ang Tsina sa buong lakas na suporta na ibinibigay ng panig Thai sa usaping ito. Sinabi ni Wang na ang Thailand ay mahalagang bansa sa kahabaan ng Belt and Road Initiative. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Thailand at ibang mga bansa ng Association of South East Asian Nations (ASEAN), para pahigpitin ang ugnayan ng kani-kanilang pambansang estratehiyang pangkaunlaran, palalimin ang konektibidad, at palakasin ang pagtutulungan sa proseso ng pagtatatag ng Belt and Road, para sa pagpapasulong ng kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino