Imbitasyon, inilabas ng Heilongjiang para sa anak na babae ni Pangulong Duterte

2017-05-15 15:21:41

Inilabas kamakailan ng kaukulang departamento ng probinsyang Heilongjiang ng Tsina ang imbitasyon para kay Veronica "Kitty" Duterte, anak na babae ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang panayam kamakailan sa mga Chinese Media na nakabase sa Maynila, isiniwalat ni Pangulong Duterte ang kanyang personal na pangarap na makita ang ice sculpture sa Tsina, kasama ang pamilya.

Tinanong ni Pangulong Duterte ang mga mamamahayag na Tsino kung saan sa Tsina makikita ang mga bahay na yari sa yelo. Ani Duterte, gustong makita ng kanyang bunsong anak na babae ang eskulturang yelo. Interesado rin siyang malaman kung paano namumuhay ang mga tao sa mga bahay na yari sa yelo

Si Pangulong Duterte ay kinapanayam ng nasabing mga media bago siya tumungo at lumahok sa Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF)

Ang probinsyang Heilongjiang ng Tsina ay tinatawag na "lunsod ng yelo at niyebe." Ito ang pinakapopular na lugar para sa snow and ice tourism ng bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino