Belt and Road Forum hinggil sa pagpapalitang pampatakaran, binuksan

2017-05-15 15:27:52 CRI

Binuksan kahapon ng hapon, Mayo 14, 2017 ang pulong ng Belt and Road Forum for International Cooperation(BRF) hinggil sa pagpapalitang pampatakaran. Ito ay magkasamang inisponsor ng National Development and Reform Commission ng Tsina(NDRC), at Development Research Centre ng Konseho ng Estado ng Tsina(DRC). Ang tema ng pagtitipong ito ay: Inobasyon ng Mekanismo at Paghahangad ng Magkasamang Pag-unlad. Dumalo sa nasabing pagtitipon ang 360 kinatawan, galing sa mahigit 70 bansa at 40 organisasyong pandaigdig.

Sa kanyang keynote speech sa pulong, sinabi ni He Lifeng, Puno ng NDRC na bilang batayan ng bilateral at multilateral na pagtutulungan at paggarantiya sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative, ang pinalakas na pagpapalitan ng patakaran ay makakatulong sa pagpapahigpit ng ugnayan ng mga may-kinalamang panig sa estratehiyang pangkaunlaran, pagpapaplanong pangkaunlaran, pagtatatag ng sistema at plataporma, at proyektong pangkooperasyon.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino