Nayon ng Lixin, isang nayong may 19 taong kasaysayan lamang

2017-05-18 09:06:12 CRI

Ang Nayon ng Lixin ay isang maliit na nayon sa dakong Hilagang kanluran ng lalawigang Jilin ng Tsina.

Ang ibig-sabihin ng Lixin ay bagong itayo. Dahil ang nayong ito ay muling itinayo pagkatapos ng napakalakas na baha ng Nen River noong 1998.

Sa kasalukuyan, ang saklaw ng nayong ito ay nasa 1000 hektarya na mayroong 630 mamamayan. Ang 95% ng mga mamamayang local ay umaasa sa pagtanim ng palay.

Noong katapusan ng taong 2015, 82 sa lahat ng 630 mamamayan ay nasa hikahos na kondisyon, pero hanggang sa katapusan ng taong 2016, ang bilang ng mga mahihirap ay bumaba sa 24.

Upang pataasin ang pagkita ng mga magsasaka sa Nayon ng Lixin. Isinagawa ng pamahalaan ng Lunsod ng Baicheng ang isang serye ng mga hakbangin.

Noong taong 2016, isinagawa ng pamahalaan ng Lunsod ng Baicheng ang isang proyektong patubig para lutasin ang waterlogging disaster sa Nayon ng Lixin. Pagkatapos nito, tumaas ang output ng palay kada hektarya sa halos 8 tonelada mula 5 tonelada.

Bukod dito, isinagawa ang konstruksyon ng imprastruktura ng koryente sa nasabing nayon para mabawasan ang gastusin ng mga magsasaka sa pagtutubig ng mga palay.

Kinakatigan rin ng pamahalaan ng Lunsod ng Baicheng ang pagtatayo ng mga magsasaka ng mga green house para itanim ang mga anti-season vegetables at mga gulay na may mataas na added-value.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino