CASS, nagdiriwang ng ika-40 anibersaryo; pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati

2017-05-18 16:41:14 CRI CRI

Ngayong taon ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Chinese Academy of Social Sciences (CASS), pinakakomprehensibong pambansang institusyon ng pananaliksik ng Tsina.

Isang liham ang ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina bilang pagbati sa CASS.

Sa liham, ipinahayag ng pangulong Tsino ang paghanga at papuri sa ibinigay na ambag ng mga mananaliksik ng CASS sa pagtatakda ng pambansang plano ng gobyerno, pagpapasulong ng pilosopiyang Tsino at social sciences ng bansa.

Hinihikayat din ni Pangulong Xi ang mga miyembro ng CASS na patuloy na magsagawa ng inobasyon sa kanilang pananaliksik para paglingkuran ang bansa at mga mamamayan.

Salin/Edit: Jade 插入链接
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino