Tsina at mga bansang ASEAN, pinagtibay ang Draft Framework of COC

2017-05-18 19:07:51

Guiyang, Guizhou Province - Idinaos Huwebes, Mayo 18, 2017, ang Ika-14 na Senior Officials' Meeting on the Implementation of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na dinaluhan ng mga matataas na opisyal mula sa Tsina at sampung (10) bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Pinagtibay sa pulong ang Draft Framework of South China Sea Code of Conduct (COC).

Tsina at mga bansang ASEAN, pinagtibay ang Draft Framework of COC


Sina Liu Zhenmin (sa kanan), Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Chee Wee Kiong (sa kaliwa), Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Singapore, sa preskon

Ito ang inilabas sa isang preskong idinaos ng Ministring Panlabas ng Tsina makaraang ipinid ang naturang pulong. 

Tsina at mga bansang ASEAN, pinagtibay ang Draft Framework of COC

Si Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina

Nagkaroon ng matapat at malalimang talakayan tungkol sa komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng DOC ang iba't-ibang panig. Pinag-usapan din nila ang tungkol sa pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyong pandagat, pagsasanggunian sa Code of Conduct (COC) in the South China Sea, at iba pang tema, at natamo ang positibong bunga. Inulit ng mga kalahok ang kahalagahan ng komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng DOC. Ipinagdiinan nilang igigiit ang mapayapang paglutas sa hidwaan sa South China Sea sa mapayapang paraan upang magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa karagatang ito. Lubos ding pinapurihan ng iba't-ibang panig ang mahalagang katuturan ng pagkakaroon ng COC framework, kung saan nakasaad ang mahalagang bungang natamo sa pagsasanggunian sa COC.  

Tsina at mga bansang ASEAN, pinagtibay ang Draft Framework of COC

Si Chee Wee Kiong, Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Singapore

Ipinahayag din nila na ang kasalukuyang taon ay ika-15 anibersaryo ng pagkakalagda ng DOC. Nitong 15 taong nakalipas, sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Tsina at mga bansang ASEAN ng DOC Mechanism, magkakasamang napangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaang ekonomiko sa South China Sea. Sa hinaharap, dapat anilang ipagpatuloy ang komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng DOC at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng karagatang ito upang maitayo ang South China Sea bilang isang karagatang pangkapayapaan, pangkaibigan, at pangkooperasyon.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino