Pahayag ng Hapon hinggil sa kalagayan ng South China Sea, hindi makakatulong sa katatagang panrehiyon-Tagapagsalitang Tsino

2017-05-19 12:36:10 CRI

Sa pag-uusap kamakailan nina Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon at Bill English, dumadalaw na Punong Ministro ng New Zealand, ipinahayag ng dalawang panig ang pagkabahala sa kalagayan ng South China Sea.

Kaugnay nito, ipinahayag, Mayo 18, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na binuksan Mayo 18, sa Guiyang, kabisera ng lalawigang Guizhou, Tsina ang mga negosasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pagpapatupad sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea(DOC). Nakatakdang idaos ang unang pulong ng mekanismo ng bilateral na konsultasyon hinggil sa SCS ng Tsina at Pilipinas, ngayong hapon. Aniya, hindi tama ang naturang pahayag ng Hapon at New Zealand, sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan.

Umaasa aniya ang Tsina na tumpak na tatasahan ng mga walang direktang kinalamang bansa ang kalagayan sa South China Sea, at gaganap sila ng konstruktibong papel para pangalagaan ang katatagan ng rehiyon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino