Rehistradong museo ng Tsina sa 2016, mahigit 4800

2017-05-19 17:31:40 CRI

Ang Mayo 18 ay International Museum Day. Sa isang aktibidad bilang pagdiriwang sa okasyong ito, ipinahayag ni Liu Yuzhu, Direktor ng Pambansang Kawanihan ng Relikyang Pangkultura ng Tsina, na noong 2016, lumampas sa 4800 ang bilang ng mga rehistratong museo sa buong bansa, at 87% sa mga ito ang libreng binubuksan sa publiko.

Nang araw ring iyon, idinaos ang seremonya ng pagtatatag ng International Alliance of Museums of the Silk Road. Ang pagtatatag ng nasabing alyansa ay para mapasulong ang pagpapalitang pangkultura at pantao ng mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road."

Ang International Museum Day ay inilunsad ng International Council of Museums (ICOM) noong 1977. Ang tema sa kasalukuyang taon ay "Museums and contested histories: Saying the unspeakable in museums." Layon nitong pasulungin ng mga museo ang pagpapakita ng kasaysayan, sa pamamagitan ng mas positibong pakikitungo, pag-unawa at pagpapaliwanag ng pamanang pangkasaysayan at pangkultura ng sangkatauhan, sa pamamagitan ng mas bukas na kaisipan.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino