Xi Jinping, bumati sa bagong Tagapangulo ng KMT

2017-05-21 16:38:31 CRI CRI

Ipinadala kahapon, Sabado, ika-20 ng Mayo 2017, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang mensaheng pambati sa bagong halal na Tagapangulo Wu Den-yih ng Kuomintang (KMT).

Ipinahayag ni Xi ang pag-asang, batay sa kabiyayaan ng mga kababayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, igigiit ng dalawang partido ang 1992 Consensus, at buong tatag na tututulan ang "pagsasarili ng Taiwan." Umaasa aniya siyang igigiit ng dalawang partido ang tamang direksyon ng mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang, at magkasamang magsisikap para sa dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.

Nang araw ring iyon, sa kanya namang mensahe bilang sagot, ipinahayag ni Wu ang pasasalamat sa pagbati ni Xi. Umaasa aniya siyang patuloy na palalalimin ng dalawang partido ang 1992 Consensus, at pasusulungin ang institusyonalisasyon ng kapayapaan ng magkabilang pampang.

Sa halalang idinaos kahapon, sa pamamagitan ng mahigit 52% na voting rate, nagwagi si Wu para maging bagong tagapangulo ng KMT.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino