Tsina, magkakaloob ng 4.5 bilyong US Dollar sa Jakarta-Bandung high-speed railway

2017-05-24 11:26:02

Isiniwalat nitong Martes, Mayo 23, 2017, ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na opisyal na lumagda sa Beijing kamakailan ang China Development Bank at Kereta Cepat Indonesia-China (KCIC) sa loan contract tungkol sa proyekto ng daam-bakal mula Jakarta hanggang Bandung na umabot sa 4.5 bilyong dolyares.

Ang nasabing daam-bakal ay mahalagang natamong bunga ng konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative, at ito rin ay landmark project ng pragmatikong kooperasyong Sino-Indones. Ang pagkakalagda sa loan contract ay mahalagang bungang natamo sa Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).

Ayon sa tagapagsalita ng nasabing komisyong Tsino, makaraang magtapos ang proyektong ito, mapapaikli sa 40 minuto ang biyahe mula Jakarta hanggang Bandung mula kasalukuyang 3 hanggang 5 oras.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino