Pagpapababa ng Moody's ng ratings ng Tsina, hindi angkop

2017-05-24 17:52:14 CRI CRI

Sinabi ngayong araw, Miyerkules, ika-24 ng Mayo 2017, ng Ministri ng Pinansya ng Tsina, na hindi angkop ang desisyon ng international rating agency Moody's hinggil sa pagpapababa ng long-term local currency at foreign currency issuer ratings ng Tsina sa A1, mula Aa3.

Ipinalalagay din ng Moody's, na mabilis na lalaki ang bolyum ng utang sa real economy ng Tsina. Mahirap anitong lumitaw ang magandang epekto ng mga hakbangin sa reporma, at ipagpapatuloy ng pamahalaang Tsino ang mga pampasiglang polisiya para panatilihin ang paglaki ng kabuhayan.

Kaugnay nito, sinabi ng Ministri ng Pinansya ng Tsina, na sumobra ang tasa ng Moody's sa mga kahirapan sa kabuhayang Tsino, at masyadong mababa ang tasa sa kakayahan ng pamahalaang Tsino sa pagpapasulong ng reporma sa supply-side at pagpapalawak ng pangangilangan sa pamilihan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino