Konstruksyon ng unang Hualong One nuclear project, natapos ng Tsina

2017-05-26 17:27:35 CRI CRI

Konstruksyon ng unang Hualong One nuclear project, natapos ng Tsina

Natapos kahapon, Huwebes, ika-25 ng Mayo 2017, ang paglalagay ng containment dome ng No.5 reactor ng nuclear power plant ng China National Nuclear Corporation, na matatagpuan sa Fuqing, lalawigang Fujian sa timog silangang bahagi ng bansa.

Ang plantang ito ay ang unang nuclear power project, sa ilalim ng Hualong One Technology, Third-generation Reactor Design na sariling idinebelop ng Tsina. Ang paglalagay ng containment dome ay palatandaang tapos na ang yugto ng konstruksyon ng proyektong ito, at sisimulan ang yugto ng pag-assembly.

Sa kanya namang mensaheng ipinalabas kahapon, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ang Hualong One Technology ay isang mahalagang elemento sa "Made in China 2025" strategy, at bilang unang proyekto sa ilalim nito, mahalaga ang paglalagay ng containment dome ng No.5 reactor ng Fuqing nuclear power plant. Ini-enkorahe rin niya ang mga tagadisenyo at manggagawa, na pasulungin ang mga gawain, para maisaoperasyon ang naturang nuclear power plant, ayon sa nakatakdang iskedyul.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino