Ika-4 China-Japan High-level Political Dialogue, idinaos

2017-05-30 15:00:36

Ika-4 China-Japan High-level Political Dialogue, idinaos

Tokyo, Japan - Sa paanyaya, magkasamang nangulo nitong Lunes, Mayo 29, 2017, sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, at Shotaro Yachi, Secretary General of National Security Council ng Hapon, sa Ika-4 na Diyalogong Pulitikal sa Mataas na Antas ng Tsina at Hapon.

Tinukoy ni Yang na ang pagtitiwalaang pulitikal ay pundamental na garantiya sa pagpapaunlad ng malusog at matatag na relasyon sa pagitan ng mga bansa. Aniya, sa mula't mula pa'y pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyon sa Hapon.

Ipinagdiinan din niya na umaasang makakapagbigay ang panig Hapones ng pagsisikap para maitatag ang pagtitiwalaang pulitikal, at mapasulong ang pagbalik ng relasyong Sino-Hapones sa normal na landas. Sa isyu ng kasaysayan at Taiwan, ipinahayag ni Yang na dapat sundin ng panig Hapones ang mga pangako nito. Sa isyu ng South China Sea, umaasa aniya ang panig Tsino na magiging maingat ang panig Hapones sa mga pananalita at aksyon nito upang makapagbigay ng konstruktibong papel sa maayos na paglutas ng mga kaukulang bansa sa rehiyong ito sa may-kinalamang isyu.

Ipinahayag naman ni Shotaro Yachi na bilang dalawang malaking bansa sa Asya, napakahalaga ng pagpapanatili ng kanilang kooperasyon para sa rehiyong ito. Aniya, hindi nagbabago ang posisyon ng Hapon sa mga isyung gaya ng Taiwan, at kasaysayan. Nakahanda ang panig Hapones na magsikap kasama ng panig Tsino, upang mapalakas ang pagpapalagayan sa iba't-ibang lebel, at maayos na kontrolin ang pagkakaiba ng dalawang bansa, dagdag pa niya.

Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan. Inilahad ni Yang ang mga kaukulang posisyon at paninindigan ng pamahalaang Tsino.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino