Ika-6 na China-ASEAN Music Week, idinaos

2017-05-31 15:25:30

Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina - Sa pagtataguyod ng Guangxi Arts University, pinasinayaan mula Mayo 25 hanggang 31, 2017, ang Ika-6 na "China-ASEAN Music Week." Dumalo rito ang 230 alagad ng sining mula sa 21 bansa't rehiyong kinabibilangan ng sampung (10) bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ipinahayag ni Sun Jianhua, Pangalawang Direktor ng Departamento ng Edukasyon, Kultura, at Turismo ng ASEAN-China Center (ACC), na ang China-ASEAN Music Week ay isa sa tatlong pangunahing plataporma ng Tsina sa international music exchanges. Ito rin aniya ay isang mahalagang proyekto ng pagpapalitang pansining sa pagitan ng Tsina at 10 bansang ASEAN.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino