Xi Jinping, nagpadala ng liham na pambati sa Global Space Exploration Conference

2017-06-06 17:40:07 CRI

Beijing, Tsina—Binuksan dito Martes, Hunyo 6, 2017 ang 2017 Global Space Exploration Conference, at isang liham na pambati sa pulong ang ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Tinukoy ni Xi na ang siyensiya't teknolohiyang pangkalawakan ay nagdulot ng malaking impluwensiya sa pag-unlad ng sangkatauhan at pamumuhay ng mga mamamayan. Aniya, sa hinaharap, ang bunga ng nasabing siyensiya't teknolohiya ay tiyak na makakapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa.

Binigyang-diin ni Xi na sa mula't mula pa'y lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagsasarbey sa kalawakan at inobasyon ng siyensiya't teknolohiyang pangkalawakan. Nakahanda aniya palakasin ng Tsina ang kooperasyon sa komunidad ng daigdig, at mapayapang galugarin at gamitin ang kalawakan. Nananalig siyang malakas na pasusulungin ng kasalukuyang pulong ang pag-unlad ng siyensiya't teknolohiyang pangkalawakan sa buong mundo at pagpapalita't pagtutulungang pandaigdig.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino