Tatlong Tsino, naaresto dahil sa wiretapping at iligal na pagkuha ng litrato

2017-06-07 10:10:29

Tatlong suspek ang naaresto noong katapusan ng nagdaang Mayo, 2017, sa lunsod ng Ganzhou ng lalawigang Jiangxi ng Tsina, dahil sa wiretapping at iligal na pagkuha ng litrato.

Ang naturang tatlong suspek ay sina Su Heng, Li Zhao at Hua Haifeng. Sila ay trabahador ng isang bahay-kalakal ng nasabing lunsod.

Inamin nila ang pagnanakaw ng lihim na komersyal ng nasabing bahay-kalakal sa pamamagitan ng wiretapping at pagkuha ng litrato. Pagkatapos nito, ibinenta nila ang naturang impormasyon sa isang organisasyon sa ibayong dagat.

Bukod dito, inamin din nila ang maraming beses na pagsasagawa ng katulad na krimen sa ibang mga lugar sa Tsina sapul noong 2010.

Tatlong Tsino, naaresto dahil sa wiretapping at iligal na pagkuha ng litrato

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino