Hangarin ng Hapon sa pakikipagtulungan sa Tsina sa ilalim ng Belt and Road Initiative, katanggap-tanggap -Tagapagsalitang Tsino

2017-06-07 10:15:45 CRI

Ipinahayag kahapon, Hunyo 6, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Belt and Road Initiative ay posibleng maging bagong lugar-pagsubok para mapalakas ng Tsina at Hapon ang bilateral na pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan at magkasamang pag-unlad. Umaasa aniya ang Tsina na isasagawa ng Hapon ang aktuwal na aksyon at mabibisang hakbang para pabutihin ang relasyong Sino-Hapones.

Winika ito ni Hua bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Punong Ministrong Shinzo Abe ng Hapon hinggil sa may kondisyong paglahok ng kanyang bansa sa Belt and Road Initiative.

Sinabi ni Hua na bilang pampublikong proyekto at inklusibong plataporma ng daigdig, ang Belt and Road Initiative ay magdudulot ng ginhawa sa lahat ng mga bansa sa daigdig na kinabibilangan ng Hapon. Ang lahat ng mga bansa aniya ay magiging pantay-pantay na kalahok, mga kontribyutor at benepisyaryo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino