Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, magiging Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN

2017-06-09 17:47:39 CRI CRI

Ipinatalastas kahapon, Huwebes, ika-8 ng Hunyo 2017, ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), ang paghirang kay Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, bilang Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN na namamahala sa mga suliranin ng kabuhayan at lipunan. Siya ay kahalili ni Wu Hongbo, taga-Tsina rin, na matatapos ang termino sa huling araw ng susunod na buwan.

Lubos na hinahangaan ni Guterres ang ambag na ibinigay ni Wu Hongbo sa kanyang termino para sa mga usapin ng UN. Positibo rin siya sa mahigit 30 taong karanasan ni Liu Zhenmin sa diplomasya, at matagal at malaki niyang pagpansin sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino