Pagtutulungan ng Tsina at OPCW, mapapahigpit

2017-06-13 10:41:44 CRI

Kinatagpo Hunyo 12, 2017 sa Beijing ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina si Ahmet Üzümcü, Direktor Heneral ng Organization for Prohibition of Chemical Weapons(OPCW).

Ipinahayag ni Yang na nitong 20 taong nakalipas sapul nang magkabisa ang Chemical Weapons Convention(CWC) at maitatag ang OPCW, mahalagang papel ang ginaganap ng mga ito sa pagbabawal ng sandatang kemikal at pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig. Aniya, patuloy na susuportahan ng Tsina ang layunin ng CWC, tutupdin ang sariling obligasyon, at pahihigpitin ang pakikipagtulungan sa OPCW.

Ipinahayag naman ni Ahmet Üzümcü ang pagpapahalaga sa konstruktibong papel ng Tsina sa pagbabawal ng sandatang kemikal, at inaasahang hihigpit pa ang pakikipagtulungan sa Tsina sa usaping ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino