Talastasan sa COC, matatag na pinapasulong-Wang Yi

2017-06-13 10:48:38 CRI

Sa preskon na idinaos Hunyo 12, 2017 sa Beijing nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at kanyang Singaporean counterpart Vivian Balakrishnan, ipinahayag ni Wang na narating kamakailan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang balangkas ng Code of Conduct in the Soth China Sea (COC), at ito ay mas maaga kaysa sa nakatakdang plano. Aniya, bilang mahalagang paunang kondisyon at karanasan sa maalwang pagpapasulong ng talastasan ng COC, ang paglilikha ng mainam na kapaligiran at pagpigil sa ibat-ibang di-maharmonyang elemento ay may masusing katuturan.

Sinabi ni Wang na inilabas noong Hulyo, 2016 ang magkasanib na pahayag ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at mga bansang ASEAN, at sinang-ayunan nilang panumbalikin ang negosasyon ng mga may direktang kinalamang panig para lutasin ang alitan sa South China Sea(SCS). Pagkatapos nito, komprehensibo aniyang napapabuti ang relasyong Sino-Pilipino.

Idinagdag pa ni Wang na kasalukuyang nananatiling matatag ang kalagayan sa SCS, batay sa magkakasamang pagsisikap ng ibat-ibang panig. Ito aniya'y lumikha ng katam-tamang kondisyon sa isinasagawang negosasyon hinggil sa COC.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino