BRICS Foreign Ministers' Meeting, idinaos sa Beijing

2017-06-20 11:13:27 CRI

BRICS Foreign Ministers' Meeting, idinaos sa Beijing

Beijing-Idinaos kahapon, Hunyo 19, 2017 ang Foreign Ministers' Meeting ng Brazil, Russia, India, China at South Africa(BRICS). Pinanguluhan ito ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.

Ipinahayag ni Wang na nitong 10 taong nakalipas sapul nang maitatag ang mekanismong pangkooperasyon ng BRICS, walang tigil na umuunlad ang pagtutulungan ng mga kasapi nito. Aniya, sa kasalukuyan, lumalaki ang proporsyon ng mga BRICS sa world economic total volum, tumataas ang kalakalan at pamumuhunan, at lumalakas ang karapatang magsalita sa mga pangunahing organisasyong pinansyal ng daigdig. Ani Wang, nitong 10 taong nakalipas, nabuo na ng BRICS ang kanilang komprehensibo at malawak na balangkas na pangkooperasyon sa ibat-ibang antas, at humihigpit ang pagtutulungan at koordinasyon ng BRICS, sa ilalim ng balangkas ng mga organisasyong pandaigdig na gaya ng UN at G20. Ito aniya'y makakatulong sa pangangalaga sa pagkakaisa at komong interes ng mga umuunlad na bansa, at magkasamang pagharap sa ibat-ibang hamong pandaigdig.

Ipinahayag naman ng iba pang apat na ministrong panlabas ng BRICS na ipagpapatuloy nila ang ideyang pangkooperasyon at pangkaunlaran para ibayong palalimin ang pagtutulungan ng BRICS. Ito anila'y makakatulong sa pagganap ng mas masusing papel ng BRICS sa mga suliraning pandaigdig. Pinahahalagahan din ng apat na panig ang pagsisikap ng Tsina sa pagpapasulong ng pagtutulungan, sa termino nito bilang tagapangulong bansa ng BRICS.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino