Premyer Tsino, ipinangako ang pagkatig sa malaya at patas na kalakalan

2017-06-21 11:01:49 CRI CRI

Nakipagtagpo kahapon, Martes, ika-20 ng Hunyo 2017, sa Beijing, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, sa delegasyong Amerikano na kalahok sa Ika-9 na China-US CEO and Former Senior Official's Dialogue.

Pinamumunuan ni Ryan Lance, Chairman at CEO ng ConocoPhillips, ang naturang delegasyon ay binubuo ng mga tagapangasiwa ng mga malaking kompanyang Amerikano, at ilang dating mataas na opisyal na gaya ng dating Commerce Secretary na si Carlos Gutierrez, at dating Trade Representative na si Charlene Barshefsky.

Ipinahayag ni Li, na ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ay mahalagang pundasyon ng relasyong Sino-Amerikano. Ipinangako rin niya ang pagkatig sa malaya at patas na kalakalan, pagbubukas ng pamilihan, at pantay-pantay na kompetisyon.

Ipinahayag naman ng mga kinatawang Amerikano, na ang matatag at maalwang pag-unlad ng relasyong Amerikano-Sino ay mahalaga para sa kapwa panig at buong daigdig. Optimistiko anila ang mga kompanyang Amerikano sa prospek ng pamilihang Tsino, at pagkakataon ng pakikipagkooperasyon sa Tsina.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino