Pangulong Tsino, naglakbay-suri sa lalawigang Shanxi

2017-06-24 12:57:06 CRI

Mula ika-21 hanggang ika-23, naglakbay-suri si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga lunsod ng Lvliang, Xinzhou at Taiyuan ng lalawigang Shanxi para malaman ang kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa lokalidad.

Kaugnay ng pagpawi ng kahirapan, sinabi ni Pangulong Xi na dapat pabutihin ang kondisyon ng imprastruktura sa lokalidad at pabahay ng mga mahihirap. Dagdag pa niya, dapat itakda ng mga pamahalaang lokal ang mga hakbangin para pataasin ang kita ng mga mahihirap.

Kaugnay ng pag-unlad ng mga bahay-kalakal sa Taiyuan, sinabi ni Xi na dapat pasulungin ang inobasyon at pag-unlad ng teknolohiya ng mga bahay-kalakal para pasulungin ang pagbabago ng estruktura ng mga tradisyonal na industriya.

Bukod dito, binigyang-diin ni Xi na dapat igiit ang ideya ng green development at isagawa ang mga hakbangin para pabutihin ang paraan ng pag-unlad ng kabuhayan, at pangalagaan ang kapaligiran.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino