Pangulong Tsino, bumati sa non-governmental forum ng CICA

2017-06-28 16:35:07

Beijing - Binuksan Miyerkules, Hunyo 28, 2017, ang Ika-2 Pulong ng Non-governmental Forum ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA). Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe bilang pagbati sa pagdaraos ng pulong.

Tinukoy ni Pangulong Xi na ang kasalukuyang taon ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng CICA. Aniya, nitong 25 taong nakalipas, nagkakaloob ito ng magandang plataporma para sa pagpapalakas ng pagkokoordinahan, pagpapalalim ng pagtitiwalaan, at pagpapalakas ng kooperasyon ng iba't-ibang kaukulang panig. Ito ay nakakapagpatingkad ng mahalagang papel para sa pagpapasulong ng pagtatatag ng community of common destiny for all mankind, dagdag pa niya.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino