Premyer Tsino, nakipag-usap sa mga mangangalakal ng buong daigdig

2017-06-29 11:02:58 CRI

Sa Dalian, Tsina-Nakipag-usap Miyerkules, Hunyo 28, 2017 si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga kinatawan ng pandaigdigang sektor ng industriya at komersyo na dumalo sa 2017 Summer Davos Forum.

Kaugnay ng usapin ng pagsali ng mga dayuhang bahay-kalakal sa reporma ng Tsina sa pambansang kabuhayan, sinabi ni Li na winewelkam ng Tsina ang maiaambag ng mga dayuhan sa proseso ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas. Sinabi pa niyang ibayo pang paluluwagin ng Tsina ang limitasyon sa pagpasok ng dayuhang pondo sa mga industriya, at patuloy na pasusulungin ang pagpapadali ng proseso ng pagnenegosyo.

Ipinahayag ni Li na patuloy na pasusulungin ng Tsina ang kooperasyon sa pagitan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at dayuhan para ipagkaloob ang mas maraming pagkakataon para sa kanila.

Dumalo sa naturang diyalogo ang mga namamahalang tauhan ng mahigit 200 malaking pandaigdigang bahay-kalakal. Ipinahayag nila na dapat samantalahin ng mga pandaigdigang bahay-kalakal ang pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina at pahigpitin ang kooperasyon sa Tsina.

Salin: Ernest

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino