Pagkapangulo ng Pilipinas sa ASEAN, suportado ng Tsina –Wang Yi

2017-06-29 19:30:36

Pagkapangulo ng Pilipinas sa ASEAN, suportado ng Tsina –Wang Yi


Sina Wang Yi (sa kanan), Ministrong Panlabas ng Tsina, at Alan Peter Cayetano (sa kaliwa), Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas

Beijing - Sa magkasanib na preskon na idinaos ngayong araw Hunyo 29, 2017 nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at Alan Peter Cayetano, Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas (DFA), ipinahayag ni Wang ang matibay na suporta ng Tsina sa pagkapangulo ngayong taon ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ani Wang, bilang pinakamatibay na tagapagsuporta ng ASEAN at pinakaaktibong kasapi ng pagtutulungan ng Silangang Asya, suportado ng Tsina ang "Integrasyon ng ASEAN" at aktibo rin itong nakikibahagi sa iba pang may kaugnayang kooperasyon sa usaping ito.

Nananalig din aniya ang Tsina na mai-a-upgrade sa mas mataas na antas ang ugnayan ng Tsina at ASEAN upang magkaroon ito ng mas malawak na impluwensya.

Isinalaysay ni Wang, na sa kanyang naunang pakikipagtagpo kay Cayetano, napag-usapan nila ang pagpapasulong at pagpapalawak sa mekanismo ng 10+3 at East Asia Summit.

Pinasalamatan naman ni Kalihim Cayetano ang patuloy na suporta ng Tsina sa pagkapangulo ngayong taon ng Pilipinas sa ASEAN at pakikisangkot ng Tsina sa mga porum na may-kaugnayan sa ASEAN.

Aniya, ipinapaabot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang kagalakan at pangungumusta sa Tsina at mga mamamayan nito.

Dagdag pa niya, nagpapasalamat si Pangulong Duterte sa mainit na pagtanggap sa kanya ng pamahalaang Tsino sa nakaraan niyang dalawang pagdalaw sa bansa.

Ani Cayetano, hinggil sa usapin ng ASEAN, nagkasundo sila ni Ministro Wang na magbahaginan ng mga bungang pang-ekonomiya na bunsod ng mabuti at matalik na pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina, tungo sa pagkakaroon ng kasaganaan, katatagan at maunlad na pamumuhay ng mga Pilipino at Tsino.


End

Ulat: Rhio

Larawan: Lele

Edit: Jade

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino