Paglagda sa Kasunduan ng Kooperasyon sa Pagtatatag ng Hong Kong Palace Museum, sinaksihan ni Xi Jinping

2017-06-30 12:35:24 CRI

Hong Kong, Hunyo 29-Sinaksihan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang paglagda sa Kasunduan ng Kooperasyon sa Pagtatatag ng Hong Kong Palace Museum sa pagitan ng West Kowloon Cultural District Authority ng Hong Kong at Palace Museum ng bansa.

Paglagda sa Kasunduan ng Kooperasyon sa Pagtatatag ng Hong Kong Palace Museum, sinaksihan ni Xi Jinping

Ang West Kowloon Cultural District ay mahalagang proyektong pangkultura ng Hong Kong. Kabilang dito, may 17 arkitekturang pansining at kultural na kinabibilangan ng Hong Kong Palace Museum at Sentro ng Opera.

Paglagda sa Kasunduan ng Kooperasyon sa Pagtatatag ng Hong Kong Palace Museum, sinaksihan ni Xi Jinping

Itatanghal sa Hong Kong Palace Museum ang mga relikyang pangkultura mula sa Palace Museum ng bansa. Isasagawa rin ng West Kowloon Cultural District Authority ng Hong Kong at Palace Museum ang koopersyon sa mga aspektong gaya ng pagtatanghal ng relikyang pangkultura, pagsasanay ng tauhan, pagpapalitang pangkultura at iba pa.

Ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Hong Kong sa Inang Bayan.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino