Malaysia at Nepal, mga guest country of honor sa ika-23 Lanzhou Investment & Trade Fair

2017-06-30 12:42:21 CRI

Isiniwalat Huwebes, ika-29 ng Hunyo, 2017 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pamahalaan ng Lalawigang Gansu ng Tsina na nakatakdang idaos sa ika-6 ng Hulyo ang ika-23 Lanzhou Investment & Trade Fair, at inanyayahan ang Malaysia at Nepal bilang Guest Country of Honor sa kasalukuyang taon.

Ang tema ng peryang ito ay “Magkasamang Pagtatatag ng Belt and Road, Pagpapasulong sa Mutuwal na Kapakinabangan at Win-Win Situation.” Hanggang ika-26 ng Hunyo, 36 na bansa sa kahabaan ng Belt and Road, mga organisasyong pandaigdig, Hong Kong, Macao at Taiwan ang inanyayahang dumalo rito. Lalahok sa perya ang mahigit 1,500 bahay-kalakal at mahigit 3,000 mangangalakal sa loob at labas ng bansa.

Idinaos ang unang Lanzhou Investment & Trade Fair noong 1993, at nagsilbi itong propesyonal malaking pandaigdigang pagtatanghal sa gawing kanluran ng Tsina. Ang Lanzhou ay punong lunsod ng Gansu.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino