Aktibidad ni Pangulong Xi Jinping sa pagpunta sa Rusya at Alemanya, inilabas ng MFA ng Tsina

2017-06-30 18:06:47 CRI

Isang news briefing ang idinaos kahapon, ika-29 ng Hunyo, 2017 ng Ministring Panlabas ng Tsina hinggil sa nakatakdang pagbiyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Rusya at Alemanya, at pagdalo sa Hamburg G20 Summit, sa susunod na Hulyo.

Ayon dito, mula ika-3 hanggang ika-4 ng Hulyo, dadalaw si Pangulong Xi sa Rusya. Inaasahang ilalabas ng dalawang panig ang magkasanib na pahayag; kasama ang 2017-2020 Program sa Tratado ng Mapagkaibigang Pagtutulungang Pangkapitbansa ng Tsina at Rusya; lalagdaan ang mga dokumentong pangkooperasyon ng dalawang panig sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng kabuhayan, kalakalan, enerhiya, pamumuhunan, media, edukasyon, at iba pa.

Mula ika-4 hanggang ika-6 ng Hulyo, dadalaw naman si Pangulong Xi sa Alemanya. Siya'y makikipagpalitan ng kuru-kuro sa counterpart na Aleman hinggil sa ibayong pagpapalalim ng pagtitiwalaang pampulitika, pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Lalagdaan din ng dalawang panig ang mga kasunduang pangkooperasyon.

Samantala, mula ika-7 hanggang ika-8 ng Hulyo, dadalo si Pangulong Xi sa 12th G20 Summit sa Hamburg, Alemanya. Ilalahad ng Pangulong Tsino ang paninindigan ng Tsina hinggil sa kalagayang pangkabuhayan at pagtutulungang pangkabuhayan ng daigdig, pagpapahigpit ng koordinasyong pampatakaran, at magkasamang pagpapasulong ng sustenable, balanse at inklusibong pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino