Xi Jinping: mas mabuting ipapatupad ang “Isang Bansa, Dalawang Sistema”

2017-07-01 21:11:08 CRI

Xi Jinping: mas mabuting ipapatupad ang “Isang Bansa, Dalawang Sistema”

Idinaos ngayong araw, Sabado, July 1 2017, sa Hong Kong Convention and Exhibition Center, ang selebrasyon ng ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Hong Kong sa Inang Bayan. Sa kanyang talumpati sa aktibidad, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang buong tatag at komprehensibong pagpapatupad ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa Hong Kong.

Sinabi ni Xi, na ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" ay pinakamagandang solusyon sa isyu ng Hong Kong na naiwan ng kasaysayan, at pinakamabuting paraan para panatilihin ang pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong pagkaraang bumalik ito sa Inang Bayan. Dagdag ni Xi, para mas mabuting ipatupad ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa Hong Kong, dapat igiit ang prinsipyong "Isang Bansa," sundin ang Konstitusyon ng Tsina at Saligang Batas ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), bigyang-priyoridad ang pag-unlad ng Hong Kong, at pangalagaan ang maharmonya at matatag na lipunan.

Xi Jinping: mas mabuting ipapatupad ang “Isang Bansa, Dalawang Sistema”

Sa naturang selebrasyon, nanumpa naman sa tungkulin si Lam Cheng Yuet-ngor, ika-5 punong ehekutibo ng HKSAR, at ang kanyang pamahalaan.

Sinabi ni Lam, na sa 5-taong termino, gagawa siya, kasama ng kanyang grupong ehekutibo, ng pinakamalaking pagsisikap, para komprehensibong pairalin ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa Hong Kong, ipagtanggol ang Saligang Batas ng HKSAR, pasulungin ang relasyon ng pamahalaang sentral at HKSAR, at labanan ang anumang aksyong makakapinsala sa soberanya ng bansa, at katiwasayan at kaunlaran ng Hong Kong.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino