Xi Jinping, nakipagtagpo sa bagong Punong Ehekutibo ng Hong Kong

2017-07-02 13:26:24 CRI

Xi Jinping, nakipagtagpo sa bagong Punong Ehekutibo ng Hong Kong

Nakipagtagpo Sabado, Hulyo 1, 2017 sa Hong Kong si Pangulong Xi Jinpnig ng Tsina kay Carrie Lam, bagong Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

Ipinaabot ni Xi ang pagbati kay Lam sa panunungkulan niya bilang bagong Punong Ehekutibo ng Hong Kong. Sinabi ni Xi na buong sikap na kakatigan ng pamahalaang Tsino ang mga gawain ng bagong pamahalaan ng Hong Kong batay sa Konstitusyon ng Tsina at Saligang Batas ng Hong Kong.

Bukod dito, sinabi ni Xi na umaasa siyang mapapasulong ng bagong pamahalaan ng Hong Kong ang pag-unlad ng kabuhayang lokal, pagbuti ng pamumuhay ng mga residenteng lokal at pananatili ng katatagan at kasaganaan ng lokalidad.

Ipinahayag naman ni Lam na buong sikap na sasamantalahin ang mga bentahe ng Hong Kong at malaking pagkatig ng pamahalaang Tsino para buong husay na isakatuparan ang kanyang mga tungkulin ng sa darating na limang taon.

Bukod kay Carrie Lam, nakipagtagpo rin si Xi sa mga bagong namamahalang tauhan ng organong administratibo, lehislatura, at hudisyal ng HKSAR.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino