Pangulong Tsino, naglakbay-suri sa mga proyekto ng imprastruktura ng Hong Kong

2017-07-02 14:29:12 CRI

Naglakbay-suri Sabado, Hulyo 1, 2017 sa Hong Kong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga pangunahing proyekto ng imprastruktura.

Habang nasa lugar ng konstruksyon ng Hong Kong Segment ng Tulay ng Hong Kong-Zhuhai-Macao, sinabi ni Xi na ang naturang tulay ay makakabuti sa pagiging mas madali ng komunikasyon at transportasyon sa pagitan ng Hong Kong, Zhuhai at Macao. Umaasa aniya siyang mainam na isasagawa ng Hong Kong ang mga susunod na gawain para maigarantiya ang maalawan at ligtas na operasyon ng nasabing tulay.

Sa lugar ng konstruksyon ng ika-3 runway ng Hong Kong International Airport, sinabi ni Xi na kinakatigan ng pamahalaang Tsino ang nukleong katayuan ng Hong Kong sa abiyasyong pandaigdig.

  

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino