Pangulong Tsino, dumating sa Moscow para sa dalaw pang-estado sa Rusya

2017-07-04 10:52:16 CRI

Dumating si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Moscow, Hulyo 3, 2017, para pasimulan ang dalaw pang-estado sa Rusya.

Tinukoy ni Pangulong Xi na bilang mapagkaibigang magkapitbansa at magkatuwang, nananatili ang tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Rusya. Aniya, sa kasalukuyan, ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Rusya ay nasa pinakamainam na yugto sa kasaysayan. Dagdag pa niya, sinusuportahan ng dalawang panig ang kani-kanilang nukleong interes, nagsisikap para pasulungin ang ugnayan ng kani-kanilang pambansang estratehiyang pangkaunlaran, at pabilisin ang ugnayan ng Belt and Road Initiative at Unyong Pangkabuhayan ng Asya at Europa. Aniya, sa masalimuot na kalagayan ng mundo, bilang huwaran sa pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig, magkasamang gumaganap ng konstruktibong papel ang Tsina at Rusya sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.

Umaasa ang Pangulong Tsino na sa kanyang ika-6 na pagdalaw sa Rusya, ibayo pang mapapalalim ang bilateral na pagtutulungang Sino-Ruso sa ibat-ibang larangan. Inaasahan din niya ang pakikipagpalitan kay Pangulong Vladimir Putin sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan, at sa mga personahe mula sa ibat-ibang sirkulo ng Rusya. Nananalig si Xi na ibayong mapapasulong ng kanyang biyahe ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino