Xi at Putin, sang-ayon sa pagpapalalim ng partnership ng Tsina at Rusya

2017-07-05 17:04:05 CRI CRI

Nag-usap kahapon, Martes, ika-4 ng Hulyo 2017, sa Moscow Kremlin, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya. Ito ang ikalawang pag-uusap ng dalawang pangulo, sa biyahe ni Xi sa Rusya.

Positibo ang kapwa pangulo sa kanilang pagkakaibigan, at magandang relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag nila ang desisyong magkasamang patatagin at paunlarin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Rusya, na may pagkakapantay-pantay, pagtitiwalaan, pagkakatigan, komong kasaganaan, at hene-henerasyong pagkakaibigan.

Pagkaraan ng pag-uusap, nilagdaan ng dalawang pangulo ang magkasanib na pahayag ng Tsina at Rusya hinggil sa ibayo pang pagpapalalim ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership, at magkasanib na pahayag hinggil sa posisyon ng dalawang bansa sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig at mahahalagang isyung pandaigdig. Sinaksihan din nila ang paglalagda sa maraming dokumento hinggil sa bilateral na kooperasyon sa iba't ibang larangan ng dalawang bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino