Pangulong Tsino, dumating ng Hamburg para sa G20 Summit

2017-07-07 09:53:00 CRI CRI

Dumating ngayong umaga, Hulyo 7, 2017 ng Hamburg, lunsod sa dakong hilaga ng Alemanya si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para lumahok sa Ika-12 Group of 20 (G20) Summit.

Ipinahayag ng Pangulong Tsino na sa kasalukuyan, ibayo pang lumalakas ang kasiglahan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig na kinabibilangan ng mga maunlad na ekonomiya at umuunlad na ekonomiya. Pero, ipinaalaala rin niya ang mga kinakaharap na hamon ng kabuhayang pandaigdig.

Nanawagan si Pangulong Xi sa mga kasapi ng G20 na sundin ang mga napagkasunduan sa nakaraang Hangzhou Summit at ibang mga Summit para patuloy na magkakasamang pasulungin at itatag ang bukas at inklusibong kabuhayang pandaigdig.

Lumahok din siya ang seremonya ng pagbubukas ng Panda Garden sa Berlin Zoo at nanood ng football match sa pagitan ng mga koponan ng kabataan ng dalawang bansa.

Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino