Pangulong Tsino, kinatagpo ang Mayor ng Hamburg

2017-07-07 10:21:18 CRI

Hamburg, Alemanya-Kinatagpo Hulyo 6, 2017 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang Mayor ng lunsod na si Olaf Scholz.

Binigyang-diin ni Pangulong Xi na bilang puerto ng Alemanya, ang Hamburg ay hindi lamang mahalagang daungan ng Tsina at Europa sa “Silk Road sa Karagatan,” kundi ito rin ay destinasyon ng kargo ng dalawang panig. Pinahahalagahan aniya ng Tsina ang pagsisikap ng Hamburg at Mayor Scholz sa pagbubukas ng pinto sa mga bahay-kalakal na Tsino.

Ipinahayag naman ng nasabing punong-bayan ang mainit na pagsalubong sa biyahe ng Pangulong Tsino sa kanyang bansa at sa paglahok sa G20 Summit. Aniya, positibo ang Hamburg sa Belt and Road Initiative, at aktibong makikisangkot ang kanyang lunsod sa usaping ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino