Delegasyong pang-media ng Pilipinas, dumalaw sa CRI: kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa pamamahayag, patuloy na lumalakas

2017-07-07 16:46:17 CRI CRI

Bilang bahagi ng patuloy pang lumalakas at bumubuting kooperasyon sa pagitan ng mga media ng Tsina't Pilipinas, dumalaw Huwebes, Hulyo 6, 2017 ang 27-kataong delegasyong pang-media ng Pilipinas sa tanggapan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (SF-CRI) sa Beijing.

An Xiaoyu, Direktor ng Southeast Asia Broadcasting Center (kaliwa) at Jade Xian, Direktor ng Serbisyo Filipino (kanan) habang ipinapahayag ang mainit na pagtanggap sa delegasyong pang-media ng Pilipinas

Jade Xian, Direktor ng Serbisyo Filipino, habang isinasalaysay ang mga gawain at programa ng SF-CRI

Sa maikling presentasyon bilang panalubong, isinalaysay ni Jade Xian, Direktor ng SF-CRI ang ibat-ibang gawain ng naturang Serbisyo: kabilang na ang mga programa sa radyo, website at social media, paraan ng pangangalap ng balita, kooperasyon sa iba pang media ng Pilipinas at marami pang iba.

Ipinakita rin sa mga miyembro ng naturang delegasyong Pilipino ang mahahalagang bagay sa loob ng tanggapan ng CRI na nagpapakita sa kasaysayan nito, partikular ang kasaysayan ng SF.

Mga miyembro ng delegasyong pang-media ng Pilipinas, habang nakikinig sa presentasyon

Matatamis na ngiti ng mga miyembro ng delegasyong pang-media ng Pilipinas

Novelen Lozada, Puno ng Delegasyon Pilipino (kaliwa) at An Xiaoyu, Direktor ng Southeast Asia Broadcasting Center, habang nagpapalitan ng regalo

Sa panayam ng SF kay Novelen Lozada, Executive Assistant II, Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Puno ng Delegasyon Pilipino, sinabi niyang noong Oktubre 20, 2016 nang bumisita sa Beijing si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Tsina, ang Memorandum of Understanding (MOU) on News and Information Exchange, Training and for Other Purposes, ay nilagdaan ng PCOO ng Pilipinas at Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina. Dahil dito, naimbitahan aniya ang 27 mamamahayag ng Pilipinas na bumisita sa Tsina, upang tingnan ang mga pag-unlad na natamo ng Tsina sa larangan ng media at makipagpalitan sa kanilang mga counterpart na Tsino.

Dagdag pa niya, napakainam na mayroong Serbisyo Filipino dahil ito ang daan upang maipa-abot sa mga kababayang Pilipino, na nasa Pilipinas kung ano ang tunay na nangyayari sa Tsina.

Ayon naman kay Apolonio Anota III, Media Accrediation and Relations Officer ng PCOO, "eye-opener" ang karanasan niya sa Tsina, at kahanga-hanga ang mga bagong teknolohiya at kaalaman ng Tsina sa pamamahayag.

Aniya, marami nang pag-unlad ang nakamtan ng Tsina sa larangang ito at ito ang gusto niyang matutunan ng mga mamamahayag na Pilipino upang mapaunlad din ang industriya ng pamamahayag ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Anota, hindi niya malilimutan ang mga natutunan kung paano gamitin ng Tsina ang multi-media sa pagpapa-abot ng mga saligang impormasyon sa mga mamamayan.

Ayon naman kay Marianne Angela Abella, Senior Community Manager ng PCOO, sobrang family-oriented, at hospitable ang mga Tsino.

Aniya pa, sa kanyang pananatili sa Tsina, nakita niyang malambing, hospitable at mababait din ang mga Tsino.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino