Kauna-unahang komprehensibong diyalogong pangkabuhayan ng Tsina at Amerika, idaraos sa Washington,D.C.-Tagapagsalitang Tsino

2017-07-12 14:01:25 CRI

Ipinahayag Hulyo 11, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na alinsunod sa pagkakasundong narating ng Pangulong Tsino at Amerikano, sa sidelines ng katatapos na G20 Hamburg Summit, idaraos ang kauna-unahang komprehensibong diyalogong pangkabuhayan ng Tsina at Amerika, sa Washington,D.C. sa ika-19 ng buwang ito. Aniya, magkakasamang mangungulo sa pagtitipon sina Pangalawang Premyer Wang Yang ng Tsina, at Kalihim ng Pananalapi Steven Mnuchin at Kalihim ng Komersyo Wilbur Ross ng Amerika.

Ani Geng, magpapalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan na kapuwa nila pinahahalagahan.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino